SINO SI KA POPOY SA AKIN?
ni Tita Flor Santos
lider-organisador ng Sanlakas
organisador ng Metro Manila Vendors Alliance (MMVA)
Sino si Ka Popoy sa akin?
Siya ang isa sa nakatulong luminaw ang aking pananaw at direksyon hinggil sa isang lipunang sosyalista.
Siya ang nagbigay inspirasyong magpatuloy kumilos, mag-organisa at magsakripisyo kahit sa harap ng krisis at mga problemang nararanasan bilang fulltime na organisador.
Siya ang nakilala kong napakatapang na kasama, lider-manggagawa, at lider-masa, lalo na noong nakasama ko siya sa laban sa lokal na pakikibaka sa Freedom Island para sa disenteng paninirahan ng mga maralita, kahit na nakataya ang kanyang buhay dahil sa internal na tunggalian sa area.
Siya ang nagtiwala at nagturo sa akin na maging matapang, manindigan, maging mapagpasya, paglalapat ng mga angkop na taktika at porma ng pagkilos at pangangasiwa ng LMS (local mass struggles) sa mga komunidad, gaya ng Sitio Mendez, Freedom Island, North Triangle, Fort Bonifacio at Antipolo.
Sa kanya ko rin natutuhan ang iba't ibang estilo ng pangungumbinsi at pangangalap ng rekurso at pinansya para siguradong matuloy ang mga gawain at kampanya.
Siya ay isang matapat at tunay na kasama dahil diretsong pinupuna ang mga resulta ng mga gawain ng mga kadre kahit na masakit na puna upang maging hamon para mapahusay ang pagkilos at maging matagumpay.
Siya ay sensitibo sa mga pangangailangan at problema ng mga kasama at mabilis umakto at mag-intervene pag may conflict sa loob ng kolektibo. Nagbibigay siya ng panahon, nakikinig sa mga reklamo at sinisikap itong ayusin at mag-unify.
Siya ay simpleng tao at may sense of humor.
Sa panahon ng mga kumperensya at pulong, nakikipagkwentuhan siya at nakikipagbiruan kahit sa personal at pang-organisasyon na usapin.
Malaki ang kanyang inambag sa pagpapanday at pagpapaunlad ng aking sarili bilang kadre, organisador at lider-masa dahil sa natutuhang mga aral mula sa kanya, teoretikal man o mga karanasan at praktika, at lahat ng ito ay nakatulong sa pagsustine sa aking commitment na patuloy kumilos sa ating kilusan para sa pagbabago tungo sa pagkamit ng sosyalistang lipunan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento