http://mulatkana.blogspot.com/2009/03/kwento-sa-isang-nalilmutang-bayani.html
KWENTO NG ISANG NALIMUTANG BAYANI
sinulat ni Mona na dating manggagawa ng Temic sa kanyang blog na mulakana
Taong 1997 nang makilala ko si Felimon Lagman o Ka Popoy. Nakilala bilang kakampi at isang timbulan ng mga taong nalulunod at walang makapitan. Kami ng mga mangagawa ng Temic na sinibak ng walang pakundangan at awa ng kapitalista ng Temic, isang kompanya na pag aari ng Aleman..mga dayuhang kapitalista!
Nakita ko sa pagkatao ni Ka Popoy ang tunay na pagiging maka masa. Nakasama namin siya sa maraming pagkakataon ng aming pakikibaka, upang labanan ang sistemang bulok na umiiral sa bansa. Ang paghahari at pamamayagpag ng kapitalista at gobyernong Ramos na wari ay manhid sa hikbi ng mga naaping mga manggagawa.
Si Ka Popoy..walang kinakatakutan. Naalala ko pa ng minsang magalit siya sa mga taga Department of Labor, dahil sa hindi nito pagkilos sa problema ng mga mangagawa ng Temic. Sinabihan niya ang mga ito na parang mga "pagong na nakasakay sa suso". Minsan din niyang sinabi sa media na ang secretary of labor na si Ginoong Quisumbing ay walang b'y'g. Wala siyang kinaiilagang tao, kung sa tingin niya ay tama ang kanyang pinaglalaban at ito ay sa kapakanan ng mga manggagawa.
Maraming kwento sa buhay ni Ka Popoy. Minsan niya akong nakwentuhan ng maikling parte ng buhay niya nang samahan niya kami sa kulungan. Matapos kaming arestuhin ng mga pulis sa Department of Labor, 70 kaming ikinulong sa pelota court. Nilapitan niya ako at lumupasay din sa sementong inuupuan ko..upang kamustahin kung gaano nasaktan pagkatapos ng brutal na dispersal. Nakita niya nagkulay talong ang aking mga braso na noong ko rin lang napansin. Napaluha ako kase pakiramdam ko.. inalo ako ng isang ama. "Wala lang yan, aniya". Ang asawa ko ay binaril at pinatay ng mga militar. At hindi ko man lang nakita ang kanyang burol, dadag niya pa. Doon din niya pinakilala sa akin ang kanyang anak na si Dante.
Ganun si Ka Popoy, nauna pa siya sa istasyon ng pulis na pagkukulungan naming mga welgista. May kasama ng abogado upang umalalay sa amin. Noong ipasok kami sa pelota court pumasok din siya upang ikulong ang sarili kasama namin. Hindi rin siya pumayag na ihiwalay ng kulungan ang mga opisyales ng unyon sa mga miyembro. Nakitaan ko rin siya nang pagkahinahon. Na noong minsan siya pa ang umaawat sa amin kapag nabubuyo kami ng aming galit na nararamdaman. Pinaalalahanan niya kami na gawing legal at tama ang lahat sa pakikibaka.
Mahigit sampung taon na ang nakakaraan, ngunit papano ba makalimutan ang isang tao na nakita kong nagsakripisyo ng wala namang hiniling na kapalit na kahit ano? Iginalang niya ang a ming desisyon na hindi mapasailalim ng BMP noong panahong yaon, dahil sa maraming kadahilanan. Sinamahan niya kami sa pagtagas ng aming mga pawis at luha sa pakikibaka laban sa mapang aping gobyerno at kapitalista.
Taong 2000 ng ako ay mapilitang mangibang bansa. Pagkatapos manlupaypay sa kawalan ng hustisya mula sa gobyerno ni Ramos. Mabigat na umalis ng sariling bayan upang sumagupa at hanapin ang sarili sa bansa at sentro ng imperyalismo at kapitalismo. Sa bansa ni Uncle Sam (laban man ito sa aking kalooban) , ito lang alam kong paraan upang buhayin ang aking pamilya.
Para akong ibon na naputulan ng dalawang pakpak. Namulat ang aking mata sa napakalalim na problema ng iniwang bayan. Na sa aking nagdidilim na pananaw ay wala ng pag asa.
Pagkatapos ng ilang taon, nakita ko si Ka Popoy sa isang dyaryong Pilipino sa New York... wala na siyang buhay. Pinaslang ng walang awa ng mga halang ang kaluluwa. Ano pa nga ba ang magagawa ko kundi lumuha. Ang luhaan ang isang tao na sa aking paningin ay isang bayani ng mga mahihirap at naaapi. Isang tapat na kaibigan na handang magbuwis ng buhay para sa bayan.
Maaaring nagupo ng mga kriminal ang pisikal na katawan ni Ka Popoy ngunit hindi ang kanyang prinsipyo at pinaglalaban. Ang kanyang mga nagawa sa maraming tao ay isang ugat na ibinaon sa lupa na muling uusbong upang muling lumago at magbunga. Upang isang araw ay magbigay ng pag asa sa bawat isa.
Ang alaala ni Ka Popoy ay hindi mabubura sa puso ng kanyang mga naging kasama, kaibigan at karamay. Sa takdang panahon, kikilalanin ng lahat ang kadakilaan ng kanyang pagkatao. Sa kabila ng mga maling paratang laban sa kanyang katauhan. Ang katotohanan ang siyang mamamayani.
Isang saludo sa bayaning nalimutan ng bayan!

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento