BAYANI KA NGA
(Alay kay Ka Popoy Lagman)
ni Ka Tony Miranda
ng BMP-Southern Tagalog
Mga pitong taon ka nang namamahinga
Sa ganap na mag-aalas-singko ng hapon
Ika’y walang awang kinitil, hanggang sa ngayo’y
Wala pa ring kaliwanagan at patuloy pa rin naguguluhan
Ang aking isipa’t damdamin
Walang himpil ang kadumihan at karahasan
Sa kasalukuyang panahon…
Naisip ko tuloy, kelan kaya magkakaroon ng pagbabago?
Ilan pa ba ang nais umangat sa iba?
Ilan pa ba ang buhay na tatapusin upang makamit lamang ang pansariling nais?
Ang iyong dugong tumilamsik sa daa’y
Magsisilbing pataba sa lupa ng mga api
Ang iyong katawang tumilapon sa kalsada’y
Magsisilbing kanlungan ng mga bagong bayani
Ang iyong iniwang karununga’y magiging daan
Upang ipagpatuloy ang laban…
Sa iyong paglalakbay sa kapayapaan,
Kinakamusta kita’t umasang magkakaroon din ng pagbabago…
Oo, tama nga sila, bayani ka nga…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento