Miyerkules, Pebrero 4, 2009

Marker ni Ka Popoy, Pinasinayaan - dyaryong Taliba

MARKER SA ALAALA NI KA POPOY, PINASINAYAAN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
mula sa pahayagang Taliba ng Maralita ng KPML, Tomo IX, Blg. 1, Taong 2004, p. 6



Ilang taon makalipas ang pagpaslang kay Filemon "Ka Popoy" Lagman, nananatiling mailap ang hustisya. Hanggang ngayon ay naghahanap pa rin ng katarungan para sa pinaslang na lider-obrero, hindi lamang ang pamilya ni Ka Popoy, kundi ang mga manggagawa't maralita na naging bahagi si Ka Popoy sa kanilang pakikibaka.

Noong Pebrero 6, 2004, sa ikatlong anibersaryo ng kamatayan ni Ka Popoy, isang marker sa mismong lugar kung saan siya nalugmok ang inihandog ng pamilya't kaibigan bilang paalala sa kabayanihan ng dating tagapangulo ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP). Matatandaang noong Pebrero 6, 2001, walang awang pinaslang si Ka Popoy ng mga di pa nakikilalang salarin sa Bahay ng Alumni sa UP Diliman.

Mismong ina ni Ka Popoy ang nagtanggal ng pulang tela na nakatalukbong sa marker. Nasa bandang kanan ng marker ang larawan ni Ka Popoy, habang nakaukit sa bandang itaas ang mga salitang: Filemon "Ka Popoy" Lagman, Working Class Hero. Sa bandang kaliwa naman ay nakasulat ang dalawang mensahe: Una, isang quotation na hiniram kay Friedrich Engels sa kanyang pahimakas (eulogy) kay Karl Marx, at ang ikalawa naman ay mula sa sulat ni Ka Popoy sa kanyang pamilya noong Hulyo 27, 1979 hinggil sa pagkakapaslang ng militar sa kanyang mahal na asawa at kasama sa pakikibaka na si Dodie Garduce.

Narito ang kabuuang nakasulat sa marker:

On the corner of this structure, Ka Popoy leaned moments
before he was felled by an assassin's bullet on 06 February 2001

FILEMON "KA POPOY" LAGMAN
Working Class Hero


"For Ka Popoy was before else a revolutionist... Fighting was his element. And he fought with a passion, a tenacity and a success such as few could rival." - Borrowed from Friedrich Engels; eulogy to Karl Marx

"...A review of the lives of revolutionary martyrs and political prisoners cannot but arouse the most intense hatred for the enemy. For it is a long list of the most brilliant, patriotic, dedicated and self-sacrificing elements of our society, fighting for an ideal that aspires to liberate the millions upon millions of our people from poverty and oppression. Our people and our nation benefited so much from them and should have benefited much more if not for the cruelty and violence of the present fascist state." - Excerpt from Ka Popoy's letter to his family dated 27 June 1979 on the martyrdom of his wife, "beloved comrade and political partner," Dodie Garduce

This marker was unveiled by Ka Popoy’s family and friends on 06 February 2004

Ayon kay Ka Pedring Fadrigon, tagapangulo ng KPML, "Hindi dapat mawala sa ating alaala ang kagitingan ni Ka Popoy, lalo na ang pagpapalawak ng ating organisasyon tungo sa pagbabagong panlipunan. Dapat natin siyang tularan at isagawa rin natin ang kanyang mga isinakripisyo. Nawalan man tayo ng isang lider-rebolusyonaryo, tiyak na marami pang bagong Ka Popoy na susulpot. Magpatuloy tayo sa pag-oorganisa.

Walang komento: