Ang Ka Popoy na Kilala Ko
Ni Sonny Melencio
Noong 1971 ko siya nakilala. Long hair na aktibista. Isa sa mga kasamang nakikita ko tuwing magkakaroon ng pulong ang Ugnayan ng Kilusang Progresibo, isang pederasyon ng mga radikal na organisasyon (pangunahin ng kabataan at estudyante) sa Kalookan, Malabon at Navotas. Nasa SDK siya; ako nama’y nasa samahang KM.
Bantog si “Ka Mon” noon sa pagiging debatador – mahilig sa debate at maukilkil sa lahat ng bagay. Ang imaheng nakikita ko sa kanya sa malalaking pulong ng UKP (kung saan ang mga aktibistang gaya ko ay maaaring basta na lamang sumama) ay isang aktibistang walang humpay na nakikipagtalo kaharap ang mga pinuno ng UKP na nasa mahahabang lamesa.
Very emphatic si Ka Mon kapag idinidiin niya ang kanyang mga ideya. Nagtayo ang KM noon ng isang chapter sa Navotas at isa ako sa mga pinuno nito. Si Ka Mon ay madalas bumibisita sa amin at tumitigil nang matagal sa aming headquarters. Tuwang-tuwa kami na marinig siya sa mga pulong, sapagkat nalalaman namin ang mga pinakahuling debate sa UKP at kung ano ang kanyang mga pananaw doon.
Nang ideklara ang martial law noong September 1972, si Ka Mon ay naglagi sa aming lugar sa Navotas. Gabi-gabi ay kasama namin siya sa paghanap ng matutulugan at sa pagma-“mass work” sa mga pamilya na nakatira sa aming tutulugan. Kailangan naming magpalipat-lipat dahil sa mga “sona” – zoning ng militar sa mga komunidad kung saan hinuhuli ang maraming aktibista at nakatira sa mga bahay na may mga “subversive materials”.
May isang insidente sa panahong ito na nakita ko si Ka Mon na halos maligalig. Naglalagi siya noon, tuwing umaga, sa aming bahay at isang araw, nakapulot ako ng isang papel na nasa kanyang handwriting. Listahan iyon ng mga sarili niyang tanong kung ano ang mga opsyon niya sa buhay bilang isang aktibista at isang kapatid. Sa sulat, nalaman kong nahuli ng mga militar ang kanyang kapatid na abogado, si Hermon, matapos ang raid sa kanilang bahay. (Si Hermon ang abogadong hanggang ngayon ay missing. Nakalaya si Hermon sa pagkakakulong na ito, pero noong huling bahagi ng 1970s ay dinukot siya ng mga militar.) Nang dumating si Ka Popoy sa aming bahay, hinanap niya ang nasabing papel. Nang ibigay ko sa kanya ay itinanong niya kung nabasa ko iyon. Paungol ang tanong, kaya sinabi ko Hindi.
Para sa akin, ang halaga ng papel ay ang sistema ng self-introspection ni Ka Popoy. Hindi siya nagpapatianod lamang sa panahon. Masusi niyang pinag-iisipan ang direksyon na kanyang patutunguhan. Ngayon, ang naging buhay ni Ka Popoy ang magpapakita sa atin kung anong landas ang pinili niyang buhay sa mga inilista niyang opsyon sa papel na iyon.
Sa unang arangkada ng martial law, ang naging assignment ni Ka Popoy sa kilusan ay sa pag-organisa ng mga manggagawa. Alam ko na isang pabrikang tinututukan niya ay ang LK Guarin, isang textile & garments firm sa Malabon. Mahaba ang istorya ng pabrikang ito dahil noong bago mag-martial law, nagwelga ang mga manggagawa at nagbarikada kami sa kalye sa harap ng pabrika. Ang natatandaan ko, lahat kami may hawak na Molotov at pillbox para ipagtanggol ang barikada. Isang gabi, nilusob kami ng army at naubusan kami ng ihahagis na pillbox at Molotov. Marami ang nahuli, at kasama na kami ni Ka Mon. Ang iba ay duguan dahil binugbog sa daan pa lamang. Pagdating sa Malabon City jail, hindi namin pinatulog ang mga pulis. Magdamag kaming nag-awitan ng mga rebolusyonaryonaryong kanta.
Kaya noong martial law, binalikan ni Ka Popoy ang pag-oorganisa sa pabrikang ito, ayon sa tungkuling ipinagkaloob sa kanya ng CPP. Doon niya nakilala ang kanyang unang asawa na aktibista rin, si Ka Sahlee. Nang magkaroon ng reorganisasyon ang Manila-Rizal section ng CPP, binuo muli ang District Party committee na sinasaklaw ang tinatawag na D3: Kalookan, Malabon at Navotas, at nang lumaon ay isinama na rin ang Novaliches at bayan ng Valenzuela. Ang pinuno ng Distrito ay si Ka Popoy. Magkasama kami nina Ka Popoy, Ka Sahlee at iba pa sa UG house sa panahong ito. Wala namang sariling pondo na nagmumula sa CPP kaya sarili naming diskarte ang pagtustos sa aming pagkilos noon. Naaalala ko na bawat piso na makukuha ni Ka Popoy mula sa kanyang ina ay hinahati-hati pa rin namin bilang pantustos sa pagkilos. Ang panganay na anak ni Ka Popoy, si Dante, na nasa sinapupunan pa ni Ka Sahlee ay nabuhay sa araw-araw na munggo at kanin.
Nagkaroon ng reorganisasyon sa MR region ng CPP at si Ka Popoy ang isa sa nanguna rito. Kaya pansamantala rin akong namuno ng D3 nang nasa regional leadership na si Ka Popoy. Matapos ang ilang taon, nagkasama na naman kami sa MR.
Ang liderato ni Ka Popoy ay kaiba sa karaniwan. Kilala siya sa “durugan” ng mga ideya. Pero para sa akin, hindi lamang ito. Prolific writer si Ka Popoy, dulot na rin ng kanyang naunang treyning bilang editor ng Bantayog, ang pahayagan ng UKP, noong bago mag-martial law. Tuwing pulong ay may inihahandang artikulo si Ka Popoy at ito ang magiging batayan ng aming mga talakayan. Kaya hindi ito “durugan” na bala-bala, ito’y “durugan” kapag hindi ka sang-ayon sa mga ideyang nakasulat, o lihis ang iyong ideya sa kanyang isinulat. Ang ibig lang sabihin nito, nauunang pag-isipan ni Ka Popoy ang maraming usapin bago ang mga pulong. Karaniwang nagiging “sounding board” din ako ng mga ideyang ito bago ang mga pulong. Dahil malalim muna niyang pinag-isipan ang mga ideya bago ang pulong, ito siguro ang dahilan kung bakit “emphatic” o “impatient” si Ka Popoy sa mga taliwas na ideya na sumusulpot lamang sa pulong. Isang iminungkahing paraan noon ang pagsulatin ang lahat ng kasapi ng MR sa bawat nakasalang na tema.
Umani si Ka Popoy nang maraming puna mula sa central leadership ng CPP dahil na rin sa kanyang mga isinulat, mga dokumentong naging opisyal na tindig ng MR noon. Ilan sa mga kontrobersyal na dokumentong isinulat ni Ka Popoy ang hinggil sa taktikal na islogan na panukala ng MR: Ipatawag ang malaya at tunay na halalan!; ang dokumento hinggil sa linyang pambansang demokrasya at sosyalismo para sa kilusang paggawa; at ang mga dokumento hinggil sa paglahok sa halalan para sa interim Batasang Pambansa noong 1978.
Siyempre pa, ang pinakahuli sa mga kontrobersyal na serye ng akda na sinulat ni Ka Popoy ang Counter-Theses na naglalaman ng mga artikulong pumupuna sa Stalinista-Maoistang liderato ng CPP, sa estratehiya ng Protracted People’s War, at sa linya ng pambansang demokrasya. Ito ang mga akdang naging batayan sa tuluy-tuloy na pagtiwalag ng dating MR sa CPP at sa ebentwal na pagkakabuo ng bagong partido sa pangunguna ni Ka Popoy.
Sa kabuuan, nakilala si Ka Popoy sa pagiging maverick at tagapagtulak ng mga “ereheng” ideya sa loob ng CPP. Bantog din siya sa pagiging “irreverent” pagdating sa mga pinuno ng CPP. Sa palagay ko, ang mga katangiang ito ay katangian din ng mga mahuhusay na lider. Kailangan ang mga lider na bukas sa mga bagong ideya at hindi napasisindak sa kung sino ang mga namumuno. Pero mahigpit si Ka Popoy sa pagtiyak na kahit may kakaiba siyang ideya, igagalang niya ang dominanteng ideya sa loob ng CPP. Dahil ako at iba pang mga kasama ang humahawak noon sa gawaing edukasyon at propaganda ng MR, kung ilang beses din niya akong pinaalalahanan na maging mapagtimpi kahit sa paggamit ng mga termino na tahasang kataliwas na ng mga kaisipang laganap o isang norm na sa CPP.
Sinasabing iba ang katangian ni Ka Popoy. Siya mismo, sa panahon ng ilang di-pagkakasundo at problema, ay nagsasabi na wala siyang kaibigan, kundi political allies. Hindi ko na matandaan kung kanino nagmula ang ganitong deskripsyon; isinulat ito sa isang artikulo hinggil sa katangian ng isang partikular na komunistang lider. Hindi ito deskripsyon ng lahat ng komunistang lider.
Pero palagay ko, naibigan ni Ka Popoy ang deskripsyong ito dahil ang ibig lang sabihin nito ay pangunahin para sa kanya ang rebolusyonaryong pulitika. Dito siya nabuhay at dito siya namatay. Ito ang kanyang piniling landas. Sa kurso ng kanyang pagsusulong ng rebolusyonaryong pulitika, mayroong kaibigang nalalaglag at nadadagdag. Syempre pa, ang nalalaglag ay ang mga hindi na niya makasundo sa kanyang pampulitikang tindig. At magkaminsan, marami iyon.
Isa na ako sa mga kaibigan ni Popoy na nahiwalay sa kanya sa maikling panahon. Ito’y dahil sa hindi pagkakasundo sa ilang usaping pampulitika na ngayon ay natutuklasan kong hindi naman tahasang taliwas sa isa’t isa. Siguro’y kinailangan lamang ng panahon para ang anumang pagkakaiba ay mapagdugtong. Ang tanging hinanakit ko ay naganap ito sa panahong wala na siya.
Gayunpaman, nabubuhay ang ala-ala ng isang Ka Popoy na kilala ko, tuwing makikita kong sumusulong ang rebolusyonaryong kilusan kahit sa gitna ng mga debate at iba’t ibang ideya. Sa gitna ng ganitong kalagayan, ang Popoy na kilala ko ay walang pangiming titindig at pangungunahan ang kinakailangang pagbabago.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento