KA POPOY, TUNAY NA LIDER AT PROPAGANDISTA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
Bago ako nag-aral sa kolehiyo noong 1993, ay naging manggagawa muna ako bilang pioneer machine operator ng tatlong taon sa isang Filipino-Japanese factory sa Alabang, Muntinlupa. Nag-resign ako upang mag-aral muli. Bandang 1992 iyon.
Nag-enrol ako at naging kasapi ng publikasyong The Featinean nang sinubukan kong mag-eksam at nakapasa. Nasa publikasyon ako bilang baguhang manunulat ng magasing pang-estudyante sa FEATI University nang naimbitahan ng isang bagong kakilala para sumama sa League of Filipino Students (LFS), at ang isa naman ay sa LFS-NCR, 1993 iyon. Nagtataka ako at mukhang di sila nagbabatian pag pumupunta sa publikasyong The Featinean. Nag-iiwasan. Iyun pala, may namumuo nang debate sa loob ng kilusan, at nag-aagawan na ng marerekrut. Nagbabakuran na pala ang kilusan sa dalawa, yung maka-Joma ay tinawag na RA o reaffirmist, habang yaong mga nasa panig ni Ka Popoy ay tinawag na RJ o rejectionist.
Nobyembre 30, 1993, ang mga dating pamunuan at kasapi ng LFS-NCR ay nag-Kongreso sa PUP, at naitayo ang Kamalayan (Kalipunan ng Malayang Kabataan). Sampung araw bago ito, isa sa nakamiting ko ay ang sikat na komedyante ngayong si Tado, na noon ay nasa Panday Pira pa ng PUP. Sa UP Manila kami nag-miting, at iyon na pala ang pagtatayo ng bagong organisasyon ng mga student councils na magiging kapalit ng National Union of Students of the Philippines (NUSP). Pebrero 27, 1994 nang maitayo ang National Federation of Student Councils (NFSC).
Disyembre 1993, naimbitahan akong sumama ng taga-LFS national sa bundok upang ipagdiwang ang kaarawan ni Mao Tse Tung sa Disyembre 26. Muntik na akong makasama roon. Paalis na ako para sumama nang masabi ko ang planong ito sa taga-LFS-NCR na ngayon ay naging Kamalayan. Aba’y hindi ako pinayagan. Baguhan pa lang kasi ako noon sa kilusan kaya di ko pa gaanong nauunawaan ang mga sinasabi nilang debate. Pasama-sama lamang ako sa mga aktibista nuong panahong iyon. Nakikipagtalakayan hinggil sa mga isyu ng lipunan. Hanggang sa palagi na akong nakakapunta upang dumalo ng pag-aaral sa opisina ng Edjop SCCS, na may opisina sa Prudencio St., sa Sampaloc, malapit sa bahay namin. Doon ko na natutunan ang MRP (Marxismo at Rebong Pilipino), at pati ang tatlong thesis, o counterthesis kung tawagin namin. Paalis-alis na rin ako ng bahay noon. Di kasi ako mapirmi sa bahay. Minsan naman ay tumatambay kami sa isang kainan sa Hidalgo sa Quiapo, na kilala sa tawag na Sizzling.
Una kong nakita si Ka Popoy sa isang miting sa may Cubao, sa opisina ng SSI, sa RG Building, kausap si Jake. Ngunit pangkaraniwang tao lamang siya sa tingin ko noon. Karaniwang manggagawang minimiting ang kapwa manggagawa.
Ilang buwan lamang ay pumutok ang pangalan ni Ka Popoy, nahuli siya noong Mayo 26, 1994 sa isang lugar sa Quezon City. Tandang-tanda ko ang petsang ito dahil dalawang araw bago mangyari iyon ay nakasama ako sa isang lightning rally sa Makati upang ipagdiwang ang ikasampung anibersaryo ng isang mapagpalayang organisasyon. Labindalawa ang nahuli sa aming mga kasamahan at isa ako sa na-flash ang pangalan sa telebisyon na umano’y nawawala. Ngunit sa katunayan ay nakawala nang magkahulihan. Nalaman ng aking mga magulang ang nangyari ngunit itinanggi ko na nakasama ako doon. Ito ang simula upang magdesisyon akong magtuluy-tuloy sa pagiging aktibista. Ang sabi ko sa sarili ko noon, tutal nandito na rin lang, ituloy ko na. Kaya habang pumapasok ako bilang estudyante at dyornalista sa FEATI ay isinasabay ko na rin ang pagrerekrut para sa Kamalayan.
Setyembre 1994, nahalal ako bilang opisyal ng Kamalayan sa NCR, na may posisyong Basic Masses Integration (BMI) officer. Sa Fortune Building sa Pineda, Pasig, ang naging opisina ng Kamalayan. Sama-sama na ang lahat ng organisasyon doon, tulad ng Sanlakas, Bukluran ng Manggagawa para sa Pagbabago o BMP (1995 nang palitan ito ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino sa isang kongreso sa Araneta), ang CREATE, STOP (Samahan ng mga Tsuper at Operator sa Pilipinas), Kamalayan, NFSC, Makabayan (na nalusaw din kalaunan), KPML, atbp. Doon na rin laging nag-oopisina si Ka Popoy. Malakas magyosi, ngunit mahilig maglaro ng chess. Sa panahong ito na ako nagsimulang magbaklas-bahay, o wala nang uwian.
Nahalal noong 1995 bilang tagapangulo ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) si Ka Popoy sa isang malaking pagtitipon sa Araneta.
Agosto 1996 nang magsimula akong kumilos sa Sanlakas. Una akong inimbitahan ni Wilson bilang manunulat, nasa Sanlakas na ako noon bilang staff, at pinadalo ako sa isang miting ng mga propagandista sa isang lugar sa Balic-Balic, at doon ay nagplano kami, kung saan si Ka Popoy ang nagpadaloy ng usapan. Tinalakay niya ang usaping propaganda, paano ang pagkakahanay ng mga isyu at ng mga susulatin, at ano ang tamang analisis sa isyung napapanahon. Bilang manunulat, marami akong natutunan sa kanya sa usaping propaganda.
Muling nahuli si Ka Popoy bago ang SLAM-APEC Conference sa Subic, 1996. At nakasama ako sa ilang pagkilos upang siya’y mapalaya.
Marso 1997, pormal na akong nagpaalam sa The Featinean bilang features and literary editor upang mag-fulltime na ng tuluyan, na siyang laman ng huli kong kolum sa magasing iyon.
Noong 1997, sa SONA ni Ramos, isang dramatikong pakulo ang pinangunahan ni Ka Popoy. Ang mga manggagawang kasapi ng BMP ay may hawak ding mga truncheon (panangga at pamalo) katapat ang mga pulis na may hawak ding truncheon. At si Ka Popoy ay naroon sa gitna ng magkaharap na manggagawa at pulis na parehong may hawak na truncheon. Na-front page siya sa dyaryong Isyu kinabukasan na nasa gitna ng dalawang panig.
Istrikto sa trabaho si Ka Popoy lalo na pagdating sa pagtapos ng deadline. Ineedit naming kung may typo error ang bawat artikulo sa tipong Newsweek at Times magazine na disenyo ng Tambuli sa opisina ng kanyang kapatid na si Edcel, nang kami ni kasamang Larry, staff noon ng BMP ay sabihan ni Ka Popoy na huwag kaming maingay, huwag magkuwentuhan, habang siya naman ay seryosong nakaharap sa kompyuter. Sa panahong iyon ako nakakita ng maraming bolyum ng sulatin ni Lenin, tila kumpleto ang 45 bolyum na iyon, at kaysarap basahin. Doon ay nakita kong talagang pinag-aaralan at kabisado ni Ka Popoy ang Leninismo.
Mabilis din siyang gumawa ng mga press statement at press releases hinggil sa iba’t ibang isyu. Nakita ko mismo ito sa laban ng PALEA (Phil. Airlines Employees Union), dahil sa akin ipinaipon at ipina-layout ang iba’t ibang press releases na ginawa niya hinggil sa labanang ito. Naitago ko pa ang nag-iisa kong kopya ng mga sulatin niyang ito.
Naroon ako ng interbyuhin siya sa radyo kung saan nakadebate niya si Ka Bel ng KMU, kung saan pasigaw niyang dinudurog sa debate si Ka Bel, na pilit namang inaawat ng announcer.
Magaling ding mang-asar si Ka Popoy lalo na sa rali. Sa isang rali sa Mendiola, dumating ang bulto ng BMP-Sanlakas-KPML-Kamalayan habang nakuha na ng kabilang grupo ng Bayan-KMU-LFS, atbp, ang tulay ng Mendiola. Sumigaw ng isang islogan si Ka Popoy at inaasar ang kabilang grupo, na nakapang-adyit naman sa amin. Bigla kaming inawat ng lider ng marshalls na huwag raw sumigaw dahil baka magkagulo. Sumigaw uli sa Ka Popoy, pero nang makita ng lider ng marshalls na si Ka Popoy pala ang sumisigaw ay di na niya kami naawat na sumigaw ng mga islogang laban sa mga RA. Bukod sa pagiging propagandista, epektibong ahitador din si Ka Popoy. At ang matindi sa aming lider na ito, pag nasa rali, wala siya sa gitna o sa hulihan ng bulto, naroon siya sa frontline. Ito ang lider, pinangungunahan ang kanyang mga tao.
Isa sa nakita kong ikinaiba ng aming lider na si Ka Popoy sa nakatunggali niya sa debateng si Joma Sison, si Ka Popoy ay nakaharap sa laban, nakakasama namin sa rali, at patuloy sa pakikipag-usap sa mga manggagawa, tulad ng inokupa ng mga manggagawang taga-Temic ang opisina ng DOLE, at inabutan na sila doon ng Pasko na di kapiling ang kani-kanilang pamilya, ang laban ng PALEA, at iba pang unyon at komunidad.
Si Joma ay nasa malayo at tila pinatatakbo ang kanilang rebolusyon sa pamamagitan ng email at fax, ngunit si Ka Popoy ay harap-harapan sa labanan. At ang tapang na ito ng isang lider ng manggagawa ay dapat hangaan, na hindi makita sa ibang lider na nagpapalaki lang ng bayag at hindi makita sa totoong labanan.
Isa sa malaki kong natutunan kay Ka Popoy ay ang gawaing propaganda. Sa pamamagitan ng polyeto, at matalisik na analisis na nakasulat sa polyeto, paggawa ng ala-Time magasin na Tambuli, pagtatayo ng radyong Santinig-Sanlakas, ay makapagmulat sa uring manggagawa at maipaabot sa kanila ang kanilang rebolusyonaryong papel upang baguhin ang lipunan. Ang natutunan kong ito’y ipinagpapatuloy ko hanggang ngayon, at marahil hanggang sa araw na ako’y malagutan ng hininga. Mabuhay si Ka Popoy!

1 komento:
Salamat sa isang bayaning pinaslang ng walang katuturan. Tinapos man nila ang iyong buhay ngnit hindi ang iyong prinsipyo at ideyolohiya.
Nakilala kita ng tulungan mo kami sa laban ng mga mangagawa ng Temic. Sinamahang labanan ang pang aapi ng mga dayuhan kapitalista at ng umiiral na kahayukan ng kapitalismo. Sinamahan sa kalsada, sa kulungan, sa pagkagutom hindi lang ng sikmura kundi maging pagkagutom sa hustisya naming maliliit na mangagawa.
Ang pinakita mong kagitingan ay magsisilbing inspirasyon sa aming mga puso, upang ituloy ang laban ng mga mangagawa at masang Pilipino.
Mula sa iyong kaibigan dito sa New York itutuloy ko ang iyong laban na sinimulan sa ating lupanhg sinilangan. Isang saludo para sayo Ka Popoy!
Mag-post ng isang Komento