Huwebes, Hulyo 2, 2009

Samahang Demokratiko ng Kabataan - ni Aries Aves

SAMAHANG DEMOKRATIKO NG KABATAAN
ni Aries Aves
SDK-PUP Chapter

Samahan nyo noon
Samahan namin ngayon
Samahan nating lahat
Samahang Demokratiko ng Kabataan

Samahang iniluwal noong panahon ng diktaturya
Humubog ng mga lider kabataan
Lumawak at nakibaka
Para sa Pambansang Demokrasya

Samahang hinagupit ng kamay na bakal
Hindi nagpasupil hanggang kamatayan
Samahang nagluwal ng lider kabataan
Samahang pinamunuan ni Ka Popoy Lagman.

Isang lider kabataan
May paninindigan

Ngayong panahon ng bagong henerasyon
Ang ating samahan muling babangon
Ito’y malaking hamon sa aming mga bago
Ipagpapatuloy ang sinimulan nyo

Samahang Demokratiko ng Kabataan
Samahang may tungkuling gagampanan
Sa pagtataguyod ng Sosyalistang Lipunan

Samahan ninyo noon
Samahan namin ngayon
Samahan nating lahat
Samahang Demokratiko ng Kabataan

Walang komento: