Miyerkules, Abril 10, 2024

Larawan ng magigiting

LARAWAN NG MAGIGITING

nakita kong nakapaskil ang isang ulat
sa burol ni Ka RC nang magpunta ako
makasaysayang tagpo yaong nadalumat
kaya sa selpon ay kinunan ng litrato

aba'y magkasama sa Kill VAT Coalition
na tatlong dekada na ang nakararaan
ang nagisnan kong lider ng kilusan noon
sina RC Constantino at Popoy Lagman

mga dagdag sa dokumentasyon at sa blog
upang mabatid ng sunod na salinlahi
kung sino ang mga lider nating matatag
na nilabanan ang burgesyang naghahari

isang pagkakataong di ko pinalampas
nang pinitikan agad sa selpon kamera
ang kinunang litrato'y mahalagang bakas
na sa aklat ng historya'y dapat isama

- gregoriovbituinjr.
04.10.2024

* nakasulat sa caption ng litrato: "Leaders of the Kill VAT Coalition raise their hands to show unity in their struggle against the tax measure. Fourth from right is former guerilla leader Filemon Lagman who announced his plan to join the movement."

* litratong kuha ng makatang gala sa burol ni RC, dating pangulo ng Sanlakas, 04.08,2024

Lunes, Abril 8, 2024

Ka Popoy at RC Constantino sa isang dyaryo

Ka Popoy and RC, magkasama sa KILL VAT Coalition, balitang nakapaskil sa burol ni RC