Sabado, Hunyo 28, 2008

Awitin: Ka Popoy, Di Ka Nawala

Ka Popoy, Di Ka Nawala

ni Erwin Cuenca ng Teatro Pabrika


Intro: D-Bm-C-D (pause)


D

Sa bawat perpektong puti’y may tuldok

Bm

Sa gabi, may liwanag na pangako

C

Ang bukas na gustong makamtan

---D

Kailan pa sisimulan


D

Iyong nakita ang kapangahasan

Bm

Sa murang edad iyong namalayan

C

Ang kasamaan sa mundo

-------F ---------D

Pang-aabuso ng iilan


Refrain:


Am -------C ---------------F

Ginising mo ang diwa ng inaapi

Am --------C -----------------F

Inapuyan mo ang damdamin ng uri

Am ---------C ----------F

Ibinigay ang buhay dedikasyon sa kilusan

Am --------------C -------F --------Bm-C

Tinakwil ang pansarili, tinaya ang lahat

D

Sa takbo ng panaho’y nagbago ang agos

Bm

Dalawampung taon tayong lumalangoy palaot

C

Nakita mo ang tamang landas

----D

At d’on kami dinala


D

At dahilan sa abante mong pag-iisip

Bm

Kaaway mo’y biglang nagsidami

C

Di mo ito inalintana

-----F -------------------------D

Basta’t kapakanan ng uring manggagawa


Refrain 2:

Am -------C -------------F

Sinuong mo tuligsa ng kaaway

Am -----C -------------F

Binalewala sarili mong buhay

Am ----------C --------F

At sa isang iglap, isang bala ang kumitil

Am -----C -------------F pause

Sa isip, diwa’t pangarap natin.


Dm-Am-Dm-Am


Tulay:

Dm -----Am ----E -------------Am

Ang kawalan ay di dapat panghinayangan

Dm -------Am -----------E ---------Am

Ang pag-iimbot kailangan nating lampasan

Dm -------Am --------E ------------------Am

Ang pakikibaka’y di natatapos sa kanyang pagbuwal

-----Dm --------------Am -----------E

Kundi pa nga’y nagbubukas ng bagong yugto sa

Am

kasaysayan


Koro:


Dm ---------------Am

Ka Popoy, di ka nawala

Dm ---------------Am

Ka Popoy, di ka nawala

-----Dm ---------Am ----------E -------Am

Ang bawat isa sa amin ay taglay ka sa puso’t isipan

-----Dm ---------Am --------E --------Am

Ang bawat isa sa amin may aral ka na iniwanan

-----Dm ---------Am -------------E ----Am

Ang tangi nating kailangan pagbuklurin mga natutunan

-----Dm --------Am -----------E --------Am

Hangga’t nagkakaisa, ang ‘yong diwa’y di mamamatay

-----Dm ----------Am ------------E ------Am

Na dapat naming dalhin hanggang sa rurok ng tagumpay

----Dm -----------Am

Ka Popoy, di ka nawala

----Dm -----------Am

Ka Popoy, di ka nawala

----E -----pause

Ka Popoy

--------------------Am-F-Dm-Am

Hanggang sa tagumpay


Walang komento: