Miyerkules, Marso 20, 2024

Gov Lagman visits tomb of his uncle Ka Popoy Lagman

Gov Lagman visits tomb of his uncle Ka Popoy Lagman
March 20, 2024

Albay Governor Edcel “Grex” Lagman has paid a visit to the grave of one of his favorite uncles Filemon “Ka Popoy” Lagman, a prominent labor leader.

“One of my favorite uncles growing up. Kan elementary ako, pirmi niya ako pigiimbitaran na mag-iba sa iya “sa bundok”. Siyempre lagi naman ako naniniwala by packing my bags an excitedly waiting na matuloy na yung pamumundok ko with him kasama ang mga cadre,” Lagman recalled.

He also shared that Ka Popoy taught him to ride his “service” big bike —- an early 80s Honda 400 cc.

“I think i found his being a rebel with a cause very romantic,” he said.

Lagman also noted that his father Cong. Edcel and Ka Popoy put up the only law office in the Philippines which was 100% entirely devoted to the interests of laborers.

“Ewan ko bakit sa Bar Exams, Labor Law was one of my lowest grades. Okay naman sa Taxation and sa Commercial law at 88%. Pero sa Labor, pasang-awa at 78%! Siyempre di ko sinabi ito kay papa at kay Uncle Ching. Hahaha Anti-labor ata me,” he said.

“Kayo naman, Uncle Ching, will always be a hero to us. One who gave his life to fight for the working man. Partido ng Manggagawa and Sanlakas were party lists you organized and which both won seats in Congress. We will always honor your memory and the principles you fought for. Happy birth anniversary, Unc,” he said.

Description:
Albay Governor Edcel “Grex” Lagman has paid a visit to the grave of one of his favorite uncles Filemon “Ka Popoy” Lagman, a prominent labor leader.

Martes, Pebrero 6, 2024

Pahayag ni Ka Sonny Melencio, tagapangulo ng PLM

Isang pagsaludo sa kabayanihan ni Ka Popoy Lagman
mula kay kasamang Sonny Melencio, tagapangulo ng Partido Lakas ng Masa (PLM)
6 Pebrero 2024

Siya ang kauna-unahang biktima ng paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng rehimeng GMA. Hanggang ngayon, kasama ang libu-libo pang biktima, wala pa ring nakakamit na katarungan sa patraydor na asasinasyon kay Ka Popoy.

Ginugunita natin ang kanyang kabayanihan habang pinagtitibay natin ang katangian at pamamaraan ng mga labang kanyang isinulong.

Siya ang pinakamasugid na tagapagbandila, at sa katunaya’y pioneer ng sosyalistang linya para sa uring manggagawa sa bansa. Sinimulan niya ang kritik ng pambansang demokratikong linya na aniya’y hindi umaayon sa kasalukuyang adhikain ng uring manggagawa para sa pagwawakas ng sahurang pang-aalipin at ng kapitalismo – gaano man ito kaatrasado – sa bansa.

Ibinando niya ito hindi lamang sa mga usaping panloob sa kilusan. Sa kauna-unahang pagkakataon sa ilalim ng pambansang demokratikong kilusan, nanguna si Ka Popoy sa pagbabandila ng sigaw at adhikain ng sosyalismo sa mobilisasyon ng kilusang unyon sa naging pagdiriwang ng Mayo Uno. Nagsalita ang mga lider manggagawa ng Maynila-Rizal na sosyalismo ang kanilang adhikain at hindi pambansang demokrasya lamang.

Pinag-ugat ni Ka Popoy ang sosyalistang adhikain sa mga lider at masa ng uring manggagawa, kabilang na ang mga nasa kilusang unyon. Sa halip na mga pag-aaral sa pambansang demokrasya, isinulong niya ang mga pag-aaral sa sosyalismo, kabilang ang mga akda ng mga naunang sosyalistang lider gaya ni Karl Marx at Friedrick Engels at Vladimir Lenin.

Sinimulan din niya ang maigting at matinding protesta laban sa imperyalistang globalisasyon. Ito’y sa panahon na may mga grupong Kaliwa na sinasang-ayunan ang globalisasyon dahil pauunlarin nito ang kapitalismo sa bansa. Kahit nakakulong, iminando ni Ka Popoy na isulong ang martsa-caravan laban sa APEC at globalisasyon noong 1996. Iginuhit ni Ka Popoy ang linya na ang globalisasyon ay nagsisilbi lamang sa imperyalista at kapitalistang pagsasamantala habang dinudurog ang kilusang paggawa at kilusang masa ng uri.

Hindi natin siya makalilimutan sapagkat ang kanyang sinimulan ay ang tamang landas ng sosyalistang pagsulong na dapat lamang nating ipagpatuloy at paunlarin ngayon.

Masidhi rin ang paniniwala ni Ka Popoy na ang rebolusyon ay isang landas na tatahakin ng uri sa harap ng matinding pagsasamantala ng kapital at ng mga naghaharing uri. Para kay Ka Popoy, ang “gyera ay hindi rebolusyon, at ang rebolusyon ay hindi gyera.” Ang rebolusyon ay akto ng masa ng uri at hindi pag-aarmas lamang ng isang seksyon nila, laluna kung ang protracted o mahabang panahon ng pag-aarmas na ito ay nagiging panghalili sa isang malawakan at makapangyarihang rebolusyon na isusulong ng uri.

Gayundin, ang pananaw ni Ka Popoy sa eleksyon sa burges na parlamento na isa lamang oportunidad para ilantad ang baog na demokrasya at isang paniniktik sa pamamaraan ng paghahari ng kapitalista at burgesya sa loob ng parlamento. Ang pinakamahalaga para sa kanya ay gamitin ang lahat ng rekurso mula rito para pakilusin ang masa at palibutan ang baog at reaksyonaryong parlamento. Sa pinakadulo, para buwagin ito at itayo ang tunay na parlamento at kongreso ng masa.

Ang adhikain at pamamaraan ni Ka Popoy ay hindi dapat maglaho. Gawin nating katotohanan ang pagsusulong ng mga sandatang kailangan ng uri para magtagumpay:

(1) ang sandata ng walang-pagod na pagpaparami at pagpapalakas ng partidong mangunguna sa rebolusyon;

(2) ang sandata ng kilusang unyon na hindi dapat saklutin ng mga dilawang lider at burukrasya sa unyon, kundi dapat pamunuan ng mga sosyalista at tapat-sa-uring lider ng mga manggagawa;

(3) ang malawak na pagpapakilos sa masa sa kanilang sariling mga suliranin at isyu at pagkakawing nito sa sosyalistang adhikain; at,

(4) ang pagtatayo ng malawak na nagkakaisang prente ng mga sosyalista, rebolusyonaryo, at progresibong kilusan ng uri na magtitiyak ng tagumpay ng rebolusyonaryong pag-aalsa ng masa.

Hindi lamang dapat alalahanin ang kabayanihan ni Ka Popoy. Dapat sundan natin ang kanyang gabay, paunlarin pa ito, at isulong hanggang sa tagumpay ng sosyalismo sa ating bansa at sa buong mundo. #

Tala: Si Ka Sonny ay matagal nang kasama sa pakikibaka ni Ka Popoy, mula sa erya ng Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela (na noo’y bahagi pa ng Bulacan), bago pa man maideklara ang Martial Law. 

Imbitasyon sa pagdalo


Lunes, Pebrero 6, 2023

Cong. Edcel Lagman's message on the 22nd death anniversary of Ka Popoy Lagman

ANG AKING MENSAHE SA IKA-22nd DEATH ANNIVERSARY NI KA POPOY LAGMAN

Ang pamilyang Lagman ay taos pusong nagpapasalamat sa pagpapatuloy ninyo ng mga adhikain ng aming bunsong kapatid na si Ka Popoy.

Ang aming pamilya ay naging second family lang ni Ka Popoy. Ang uring manggagawa ay ang kanyang pangunahing pamilya.

Naalaala ko na 22 years ago ngayong hapon na ito, ako ay tumakbo galing sa Kowloon House sa Matalino St. papunta sa Heart Center. Doon dinala si Ka Popoy matapos siya barilin sa UP Bahay ng Alumni.

Nakita ko kung ilang oras siya lumalaban upang mabuhay—in the same manner that he fought tirelessly and fearlessly for workers, the poor, and marginalized, so that they could have decent lives.

Madalas natin sabihin, at ito ay totoo, na ang mga ’pinaglaban ni Ka Popoy para sa uring manggagawa tulad ng living wage, security of tenure, freedom to organize and engage in concerted activities are the very same causes that we are fighting for today.

Ang matinding inflation rate na 8.1% ay kinain na ang maliliit na pagtaas ng minimum wage at kailangang taasan pa ito. Kailangang tiyakin din ng gobyerno ang food security at pag-unlad ng agrikultura upang bumaba ang presyo ng basic commodities.

Tapusin na ang ENDO at contractualization upang magarantiya ang security of tenure ng mga manggagawa.

Lumikha ang gobyerno ng non-profit Workers Bank para sa mga manggagawa upang makakuha sila ng murang credit for livelihood support, and calamity and crisis survival. Itong Workers Bank ay isa sa mga labor agenda ni Ka Popoy.

Ang Pilipinas, ayon sa World Bank, ang may pinaka masamang income distribution sa buong Asya at di lang sa buong South East Asia.

What Popoy said is a truism that during good times, capital inordinately profits, but during bad times only the workers suffer. Kapag maganda ang ekonomiya ang mga negosyante ang higit na kumikita, ngunit pag masama ang ekonomiya, ang mga manggagawa lamang ang nagdurusa.

Isigaw natin, Ka Popoy, tuloy ang laban!

Ka Popoy

KA POPOY

dalawampu't dalawang taon na ang nakararaan
nang bigla kang nawala dahil ikaw ay pinaslang
ng mga salaring kaaway nitong sambayanan
dahil pinalakas mo ang 'yong pinamumunuan

taas-kamaong pagpupugay, lider at kasama
ang mga aral mo'y aming isinasapraktika
upang tuluyang baguhin ang bulok na sistema
at mawala ang pang-aapi't pagsasamantala

sinabi mong dapat class line, di mass line, ang tunguhin
ng uring manggagawang pagkakaisa'y kakamtin
ang pag-oorganisa ng uri ang adhikain
makauring kamalayan ay sadyang patampukin

sa mga aral at karanasan nga'y napapanday
kasama ng manggagawang sosyalismo ang pakay
tanging masasabi ko'y taospusong pagpupugay!
tinutuloy namin ang laban mo, kasamang tunay!

- gregoriovbituinjr.
02.06.2023

Linggo, Pebrero 6, 2022

Ka Popoy Lagman - tula ni Greg Bituin Jr.

KA POPOY LAGMAN

estudyante pa ako nang una siyang makita
mula sa pagkapiit ay kalalaya lang niya
simpleng tibak lang ako, estudyanteng aktibista
hanggang napagkikita ko siya sa opisina

kaya pala, nag-above ground na pala siya niyon
habang ako'y istaf pa ng dyaryong pangkampus noon
magaling siyang magpaliwanag ng nilalayon
bakit sistemang bulok sa lupa'y dapat ibaon

magaling na lider na isang paa'y nasa hukay
iminulat ang manggagawa sa magandang pakay
na magkapitbisig, sosyalismo'y itayong tunay
inspirasyon sa manggagawa upang magtagumpay

lumabas din siya sa debate sa telebisyon
naipanalo ang Sanlakas noon sa eleksyon
sa mga manggagawa'y nagbigay ng edukasyon
isinulat ang pagsusuri tungong rebolusyon

nagsulat siya sa Tambuli hinggil sa Paggawa
iyon ang magasin ng Bukluran ng Manggagawa
sa Tambuli, ako'y nagsulat ng akda't balita
natigil iyon at dyaryong Obrero'y nalathala

karangalan nang makasama siya sa magasin
isang bayani ng paggawa kung siya'y ituring
mabuhay ka, Ka Popoy Lagman, lider na magiting
salamat sa iyo sa mga aral mo sa amin

- gregoriovbituinjr.
02.06.2022

* Ka Popoy Lagman, Working Class Hero
(Marso 17, 1953 - Pebrero 6, 2001)

Sabado, Pebrero 6, 2021

Hindi Kami Nangulila! - tula ni Din Panganiban

Hindi Kami Nangulila!
(sa ika-20 na taong paggunita sa pagpaslang kay Filemon "Ka Popoy" Lagman)

Hindi kami mangungulila
Agnas na katawang lupa
Kahit pinayapa
Ng magpakailanman
Hindi kami mangungulila
Dalawampung taong nagdaan
Presensyang di kawalan
Dahil buhay pa sa isipan
Paano kami mangungulila?
Kung galit ang niluluha?
Guguhit pa rin sa kamalayan
Dugong dumanak,
Tinggang bumutas
Lamang sumambulat
Sumabog na utak!
Di kami mangungulila
Unos kaming sa pampang, sisira
Mamumuong puyo sa sigwa
Mananalanta,
Manggigimbal,
Sa mga pusong natutulog
Nabingi na sa takot
Sa lantarang panghuhuthot
Mga taong nakaluklok
Sa poder na binubukbok
Ng ganid sa kapangyarihan
Kabuktukan
Mga pangakong masarap pakinggan
Hinehele sa bangungot
Duyan ng sistemang bulok
Hihiluhin ang mahuhulog
Hanggang reyalidad ang malimot
Di kami mangungulila
Dahil lagi Kang mananariwa
Kape sa kumukulong sikmura
Nagpapagising sa makauring diwa
Nakapinid na mata
Mumulatin, bulag na masa
Sigarilyo sa butas na baga
Ubong papatay sa hininga
Plemang sisikil
Lalamunang sinungaling
Bungangang sakim
Kanser sa bayan, lilipulin!
Di kami mangungulila
Dahil sa aral Mong nasa kalooban
Kinuyom sa kamaong lumalaban
Kinawit sa bisig ng sambayanan
Laman ng bawat sigaw sa lansangan

Sa amin,
Hindi Ka nagmaliw
Hindi Ka nawala
Hindi,
Hindi kami nangulila

--Nathaniel Panganiban

* mula sa FB post ni Din Panganiban, Pebrero 6, 2021

Pahayag ng SUPER Federation

from Super Federation's FB page

Pahayag ng SANLAKAS sa ika-20 anibersaryo ng pagkapaslang kay Ka Popoy Lagman

"Tiniyak ko na hindi ko ipagpapalit ang aking prinsipyong pampulitikal para lamang sa pansariling kalayaan. Bulukin man nila ako, ang aking diwang rebolusyonaryo ay malayang malaya."

Sa ika-20 taon ng kanyang pagkakapaslang, patuloy nating pinagpupugayan ang bayani ng mga manggagawa at ang dakilang lingkod ng adhikain para sa totoong progreso sa masang anakpawis na si Ka Popoy Lagman.

Tuloy ang laban para sa kabuhayan, kaligtasan, kapakanan, at kapangyarihan ng uring manggagawa!

Hustisya para kay Ka Popoy! Hustisya sa manggagawa at masang anakpawis!

Ka Popoy - from WorkingClassHistory tumbler.com


On this day, 6 February 2001, Filipino revolutionary socialist and union activist Felimon “Popoy” Lagman was assassinated in Quezon City by four men.

Lagman had joined the Communist Party of the Philippines (CPP) and fought against the right-wing military dictatorship in the 1970s, during which his wife, Lourdes Garduce-Lagman was killed and his brother, Hermon, was “disappeared”. He later split from the Party, believing that struggles in Metro Manila, the seat of the Philippine government, and in workplaces all over the country were a more effective strategy for workers than guerrilla warfare from the countryside. To this end he co-founded the Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) union federation.

The government blamed the CPP for the murder but Lagman’s nephew, Karlo Sevilla, told us: “Our family is more inclined to believe that the assassins, in case they were indeed former comrades, had already abandoned any faction of the revolutionary movement by then and turned hired guns for the government. Unfortunately, until now we have no strong leads on the identities of the suspects, from the masterminds to the hired guns, who remain at large. Needless to say, his assassination remains unsolved and we are still seeking justice – nearing the 20th anniversary of his death.”