Huwebes, Marso 19, 2020

Ang Hasik ng Katipunan, ang Buklod ng BMP, at ang KASAMA ng KPML

ANG HASIK NG KATIPUNAN, ANG BUKLOD NG BMP, AT ANG KASAMA KPML
Maikling sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr.

May ninuno pala ang BUKLOD ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) at ang dating KASAMA ng grupong Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML). Ito ang HASIK ng KKK o Katipunan nina Gat Andres Bonifacio.

Sa aklat na "Kartilyang Makabayan: Mga Tanong at Sagot Ukol Kay Andres Bonifacio at sa KKK" na sinulat ni Hermenegildo Cruz, ay nabanggit ang pagbubuo ng Hasik na maihahalintulad sa pagbubuo ng Buklod ng BMP, at dating KASAMA (Kapatiran ng mga Sosyalistang Aktibistang Maralita), ng KPML na binago na't ginawa na ring Buklod na ibinatay sa BMP. Sa pahina 21 ng nasabing aklat ay nasusulat: 

25. - Sa papaanong paraan ginagawa ang pagkuha ng kasapi? - Sa bawa't pook ay nagtatayo ng isang wari'y lupon na kung tawagin ay "Hasik" na binubuo ng tatlo katao na paranhg tatlong tungko. Ang "Hasik" na ito ang siyang sa inot-inot ay nanghihikayat upang may sumapi sa "Katipunan". Pagdamidami na ng mga kasangayon ay saka pa lamang itinatayo ang "Balangay" na pinamumunuan ng isang lupon na ang mga tungkulin ay tulad din ng sa Kataastaasang Lupon. Ang mga "Hasik" na yaon ay di na ipinagpatuloy ng malapit na ang tangkang panahon sa paghihimagsik, pagka't ang mga taong baya'y halos naguunahan nang sila'y mapabilang sa "Katipunan".

Ang pagbubuo ng Buklod ng BMP ay naisulat ng namayapang Ka Popoy Lagman sa akda niyang PAGKAKAISA na nalathala sa magasing Tambuli ng BMP noong Disyembre 1998. Halina't sipiin natin ang ilang bahagi nito:

"Dapat ay mas madali ang magbuo ng grupo o sirkulong pampulitika ng lima hanggang sampu katao sa bawat kompanya (tawagin natin na mga buklod) kaysa magbuo ng unyon na kinakailangang dumaan sa mga ligal at teknikal na proseso. Upang mapatampok ang pampulitikang tungkulin at katangian ng BMP, mas wasto at mas mahusay na ang magiging ispesyalisasyon nito ay ang pagbubuo ng network ng mga grupo o sirkulong pampulitika sa pinakamaraming kompanyang maaabot nito na mas nakatuon sa pampulitikang pagkamulat, pagkakaisa, pagkakaorganisa at pakikibaka ng masang manggagawa bilang uri."

"Oryentasyon ng mga buklod na ito ang aktibong paglahok sa pang-unyong pakikibaka nang hindi binabago ang prinsipal na diin sa pampulitikang pag-oorganisa. Bawat lider, organisador at aktibista ng BMP ay dapat magkaroon ng mga target na kompanyang tatayuan nila ng mga buklod. Dapat ay walang tigil ang araw-araw na pagbubuo ng mga buklod na ito hanggang sa malatagan natin ang mayorya ng mga kompanya sa buong bansa ng ganitong network ng sosyalistang pagkakaisang makauri bilang preparasyon sa paglubha ng krisis ng globalisasyon at pag-igpaw ng kilusan ng uring manggagawa sa antas ng pampulitikang pakikibaka."

Sa bahagi naman ng KPML, binuo noon ang KASAMA upang maipalaganap ang makauring pagkakaisa ng mga maralita bilang proletaryado at ng uring manggagawa sa kabuuan. Katatampukan ang KASAMA ng pag-oorganisa at pampulitikang pagmumulat. Ayon sa Oryentasyon ng KASAMA: "Ang KASAMA ay isang pampulitikang grupo o sirkulo (mga 5-10 katao) ng mga mulat na maralita sa loob ng isang lokal na organisasyon at komunidad na kinikilusan ng KPML, o kaya'y mga indibidwal na maralitang wala pang organisasyon sa isang komunidad."

"Binuo ang KASAMA bilang katuwang ng KPML sa pagkokonsolidad sa ating mga kinikilusang komunidad. Pagkat sila ang mga mulat (may mataas na pampulitikang kamalayan) na maralita sa loob ng kanilang mga lokal na organisasyon, pangungunahan nila ang kanilang samahan sa mga pagkilos sa loob at labas ng kanilang mga komunidad, at magsasagawa ng pagmumulat sa hanay ng kasapian at maging sa iba pang organisasyon at mga kalapit pang komunidad. Ang mga KASAMA ang siyang magiging gulugod sa pag-oorganisa at pagkokonsolida ng ating organisasyon at mga komunidad na kinikilusan."

Sa ngayon, napagpasyahan na ng KPML na mas mainam na gamitin ang Buklod, at nawala na ang pag-oorganisa ng Kasama bilang pagtalima sa atas ng BMP, kung saan kasaping organisasyon ang KPML, na magtayo ng Buklod sa mga komunidad ng maralita upang palakasin ang sosyalistang kilusan.

Maraming salamat sa Katipunan, at may pinagmanahan pala ang BMP at KPML bilang mga mapagpalayang organisasyon tungo sa pagtatayo ng lipunang walang pang-aapi at pagsasamantala ng tao sa tao.

Mga pinaghalawan:
aklat na "Kartilyang Makabayan: Mga Tanong at Sagot Uklo Kay Andres Bonifacio at sa KKK" na sinulat ni Hermenegildo Cruz, (inilimbag, 1922), pahina 22
http://popoylagman.blogspot.com/2009/07/pagkakaisa-akda-ni-ka-popoy-lagman.html
http://kpml-org.blogspot.com/2010/10/ang-pagbubuo-ng-kasama.html

* Unang nalathala sa pahayagang Taliba ng Maralita, ang opisyal na publikasyon ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML), isyu ng Marso 16-31, 2020, pahina 18-19.

Huwebes, Pebrero 6, 2020

Mensahe ng XDI sa ika-19 anibersaryo ng pagkapaslang kay Ka Popoy Lagman

PAHAYAG NG EX-POLITICAL DETAINEES INITIATIVE (XDI)
Pebrero 6, 2020

MENSAHE NG XDI SA IKA-19 ANIBERSARYO
NG PAGKAPASLANG KAY KA POPOY LAGMAN

Kami, mula sa Ex-Political Detainees Initiative (XDI) ay taos kamaong nagpupugay kay Ka Popoy Lagman. Labinsiyam na taon na mula nang siya'y mapaslang at hanggang ngayon ay patuloy ang paghahanap ng katarungan.

Isa si Ka Popoy Lagman sa mga batikang lider na nakibaka upang palayain ang manggagawa sa kuko ng kapitalismo. Siya'y dakilang guro at lider-manggagawang nagpapatuloy ng pakikibaka sa tradisyon ng mga naunang lider-manggagawang namuno sa mga naganap, tulad ng Paris Commune at ng Rebolusyong Oktubre.

Si Ka Popoy ay isa ring XD o dating bilanggong pulitikal. Hinuli siya at nakulong noong Mayo 26, 1994, dalawang araw matapos ang isang rali sa Makati kung saan labingdalawang aktibista ang nahuli, at noong kasagsagan ng SLAM APEC Conference noong Nobyembre 1996. Siya'y isang masigasig na chairman ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) noong siya'y mapaslang noong Pebrero 6, 2001.

Muli, kami sa Ex-Political Detainees Initiative (XD) ay taas-kamaong nagpupugay sa magiting na lider na si Ka Popoy Lagman!

Hustisya para kay Ka Popoy Lagman at sa lahat ng mga dati at hanggang ngayon ay bilanggong pulitikal! Palayain ang lahat ng bilanggong pulitikal!


EDGAR DESACULA
Pangulo

EDWIN GUARIN
Ikalawang Pangulo

GREGORIO BITUIN JR.
Sekretaryo Heneral

JOVEN LIM
Ingatyaman

RONI DURAL
Auditor 

Tula: Ka Popoy Leninista


POPOY LAGMAN, LENINISTA

Popoy Lagman, na kilala ring Ka Popoy sa madla
Organisador na Leninista ng manggagawa
Pilipinong rebolusyonaryo, tanyag, dakila
O, bakit ba ikaw ay pinaslang nang walang awa
Yinanig ang bayan sa iyong biglang pagkawala
Leninistang nagturo sa amin ng rebolusyon
Ang tagumpay ni Lenin noon, inaaral ngayon
Gurong tunay si Ka Popoy nang magawa ang layon
Manggagawa, magkaisa kayo sa inyong misyon
Ang itayo n'yo ang lipunang sosyalista ngayon
Nagkakaisang puso, diwa't prinsipyo'y di lingid
Laban sa kapitalismong sadyang sistemang ganid
Edukador ng obrerong ating mga kapatid
Nang kawalan ng hustisya'y tuluyan nang mapatid
Isang pagpupugay kay Ka Popoy ang aming hatid
Nagtataguyod ng Leninistang diwa't prinsipyo
Isinasapuso'y tunay na diwang makatao
Sosyalistang lider siyang may pamanang totoo
Tahakin ang landas ni Ka Popoy, ang Leninismo
At palakasin ang pagkakaisa ng obrero
- gregbituinjr.
02.06.2020

Pahayag ng KPML sa ika-19 anibersaryo ng kamatayan ni Ka Popoy Lagman

PAHAYAG NG KPML SA IKA-19 NA ANIBERSARYO NG KAMATAYAN 
NG BAYANI NG URING MANGGAGAWANG SI KA POPOY LAGMAN
Pebrero 6, 2020

Kami sa Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) ay taos kamaong nagpupugay kay Ka Popoy Lagman. Labinsiyam na taon na mula nang siya'y mapaslang at hanggang ngayon ay patuloy ang paghahanap ng katarungan.

Isa si Ka Popoy Lagman sa mga batikang lider na nakibaka upang palayain ang manggagawa't maralita mula sa kuko ng kapitalismo. Siya'y dakilang guro at lider-manggagawang nagpapatuloy ng pakikibaka sa tradisyon ng mga naunang lider-manggagawang namuno sa mga naganap, tulad ng Paris Commune at ng Rebolusyong Oktubre.

Si Ka Popoy ay hinuli at ikinulong ng estado noong Mayo 26, 1994, dalawang araw matapos ang isang rali sa Makati kung saan labingdalawang aktibista ang nahuli. Dinakip din siya sa kasagsagan ng SLAM APEC Conference noong Nobyembre 1996. Siya'y isang masigasig na chairman ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) mula 1995 hanggang sa siya'y mapaslang noong Pebrero 6, 2001.

Si Ka Popoy ay isang maaasahang giya upang tayo’y hindi makalimot na tanging sa ating sama-samang pagkilos ay makakamit natin ang ninanais nating lipunang malaya, walang pang-aapi at pantay-pantay. Ibinuwis niya ang kanyang buhay para lamang ituro sa atin na sa ating nagkakaisang lakas ay mapagtagumpayan natin ang anumang laban na ating susuungin, upang ipatimo sa ating isipan, na tayo at tayong mga maralita ang siyang may kakayahan at may karapatang ituloy ang ikot ng gulong ng kasaysayan at siyang tanging may kakayahang pamunuan ang susunod na lipunan. Lipunang tayo ang siyang bubuo. Lipunang tayo ang siyang huhugis.

Si Ka Popoy Lagman, na gaya ng sulong naglalagablab, ay nagpaalab sa ating pakikibaka para sa tunay na kalayaan at pagbabago.

Ang KPML bilang kasapi ng BMP, Sanlakas, at pundadores ng Partido Lakas ng Masa (PLM) ay patuloy na nakikibaka upang ang mga pangarap ni Ka Popoy na isang lipunang malaya at walang pagsasamantala, tulad din ng aming pangarap, ay makamit ng uring manggagawa at masa ng sambayanan.

Hustisya para kay Ka Popoy Lagman! Mabuhay ang uring manggagawa! Tuloy ang laban!

Popoy Lagman, Leninista

POPOY LAGMAN, LENINISTA

Popoy Lagman, na kilala ring Ka Popoy sa madla
Organisador na Leninista ng manggagawa
Pilipinong rebolusyonaryo, tanyag, dakila
O, bakit ba ikaw ay pinaslang nang walang awa
Yinanig ang bayan sa iyong biglang pagkawala
Leninistang nagturo sa amin ng rebolusyon
Ang tagumpay ni Lenin noon, inaaral ngayon
Gurong tunay si Ka Popoy nang magawa ang layon
Manggagawa, magkaisa kayo sa inyong misyon
Ang itayo n'yo ang lipunang sosyalista ngayon
Nagkakaisang puso, diwa't prinsipyo'y di lingid
Laban sa kapitalismong sadyang sistemang ganid
Edukador ng obrerong ating mga kapatid
Nang kawalan ng hustisya'y tuluyan nang mapatid
Isang pagpupugay kay Ka Popoy ang aming hatid
Nagtataguyod ng Leninistang diwa't prinsipyo
Isinasapuso'y tunay na diwang makatao
Sosyalistang lider siyang may pamanang totoo
Tahakin ang landas ni Ka Popoy, ang Leninismo
At palakasin ang pagkakaisa ng obrero
- gregbituinjr.
02.06.2020

Huwebes, Marso 21, 2019

Former Albay Rep. Grex Lagman pays tribute to slain uncle Popoy Lagman



Former Albay Rep. Grex Lagman pays tribute to slain uncle Popoy Lagman
Last updated Mar 21, 2019

It’s been 18 years since workers’ leader Filemon “Popoy” Lagman was assassinated at the University of the Philippines, and to former Albay Rep. Grex Lagman, he will always be his cool uncle.

Grex paid tribute to Popoy on the latter’s birthday on March 17.

In a Facebook post, Grex greeted his uncle and said his memorial at the Bahay ng Alumni steps would always remind his family of his heroic deeds. He may be gone, but his memory lives on in their hearts and minds, he added.

And his works live on in his son Dante, who are continuing his advocacies.

But Grex also loved his uncle’s other side, such as his love for motorcycle. It was Popoy who taught him to ride big bikes as a kid, he added.

Popoy will never be forgotten!


“Mapagpalayang Kaarawan, Uncle Ching! Ang pananda ninyo sa hagdanan ng Bahay ng Alumni ay laging nagpapaalala sa amin ng iyong kabayanihan! Ang memorya mo ay laging buhay sa aming mga puso’t isip.

Happy you’re continuing his advocacies, pinsan Dante Josef Lagman!

Miss your 500 cc motorcycles, unc! You taught me how to ride ’em big bikes at age 10! What a cool tito! Hehe,” Grex posted.

Martes, Abril 10, 2018

Bakit isang milyong aklat na "Puhunan at Paggawa?"


BAKIT ISANG MILYONG AKLAT NA "PUHUNAN AT PAGGAWA"?
ni Gregorio V. Bituin Jr.


Pambungad

Noong ikalawang araw ng Ikawalong Pambansang Kongreso ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) na isinagawa sa Lungsod ng Baguio nitong Enero 2018 ay nagpasa ako ng tatlong resolusyon. Ang una ay paglalathala ng aklat ng BMP na ilulunsad sa ika-25 anibersaryo nito sa Setyembre 2018. Ang ikalawa ay ang pagdaraos ng BMP ng Marxist Conference para sa ika-200 kaarawan ni Karl Marx sa Mayo 5, 2018. At ang ikatlo rito ay pinamagatan kong "Isang Milyong Aklat ng Puhunan at Paggawa ni Ka Popoy Lagman para sa Isang Milyong Manggagawa."

Pokusan natin ang ikatlong resolusyon. Isang milyong aklat? Aba, aba, aba. Kaya bang ilathala ang ganyang karaming aklat sa isang taon, o sa loob ng tatlong taon bago muling mag-Kongreso ang BMP? Kamangha-mangha ang laki ng bilang! Kaya ba nating ilathala iyan? Gaano kalaking pondo ang magagastos diyan?

Subalit iyon ay isang resolusyong sinang-ayunan ng mayorya ng delegado. Isang resolusyong akala natin ay hindi kakayanin.

Narito ang kabuuan ng nasabing resolusyon:

RESOLUSYON BLG. ____
ISANG MILYONG AKLAT NG "PUHUNAN AT PAGGAWA"
NI KA POPOY LAGMAN PARA SA ISANG MILYONG MANGGAGAWA

Sapagkat isa sa mga batayang pag-aaral ng BMP ang "Puhunan at Paggawa" na ngayon ay naisaaklat na, dapat na magkaroon ng kopya ng aklat na ito ang bawat manggagawa;

Sapagkat ang labor force sa ngayon ay umaabot na sa 43.739 million ayon sa isang ahensya ng pamahalaan;

Sapagkat tungkulin ng BMP ang pagmumulat ng mga manggagawa;

Kung gayon, inilulunsad ng BMP ang proyektong 'Isang Milyong Aklat ng "Puhunan at Paggawa" ni Ka Popoy Lagman para sa isang milyong manggagawa;

Sinang-ayunan ng mga delegado ng Ikawalong Pambansang Kongreso ng BMP ngayong Enero 27-28, 2018 sa Skyrise Hotel, Lungsod ng Baguio.


Pagtalakay

Napakahalaga bilang pangunahing aklat ng mga manggagawa ang Puhunan at Paggawa na sinulat ni Filemon 'Ka Popoy' Lagman, isang lider-manggagawa at naging pangulo ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP). Ang aklat ay tigib ng mga aral at pagsusuri hinggil sa relasyon ng sahod at tubo, ng manggagawa’t kapitalista. Isa ito sa mga natatanging armas ng uring manggagawa upang maunawaan niya ang kanyang kalagayan sa ilalim ng mapagsamantalang sistemang umiiral. Ipinauunawa ng aklat sa mga manggagawa ang kanilang kalagayan sa lipunang ito at tuluyan silang magkaisa at magpalakas upang itayo ang kanilang sariling pamahalaan.

Ang target na isang milyong aklat na Puhunan at Paggawa para sa isang milyong manggagawa ay maliit kung ikukumpara sa labor force at populasyon ng Pilipinas. Subalit kinakailangang targetin upang mas maraming manggagawa ang makaunawa at magkaisa.

Ayon sa October 2017 Labor Force Survey, ang labor force sa Pilipinas ay nasa 43.739 Milyon. Mula ang datos sa inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong Enero 15, 2018. Ayon din sa PSA sa inilabas nito noong Agosto 1, 2015, ang populasyon ng bansa ay umaabot na sa 100,981,437 batay sa 2015 Census of Population (POPCEN 2015).

Kaya 43,739,000 manggagawang sahuran kumpara sa 100,981,437 populasyon, nasa 43 porsyento ng populasyon ang mga manggagawang sahuran.

Kung mahigit 43 milyon ang manggagawang sahuran sa bansa, ano ba naman ang isang milyong aklat na Puhunan at Paggawa para sa isang milyong manggagawa. May mahigit 42 milyong manggagawa pa na hindi magkakaroon ng aklat. Kung ikukumpara sa labor force na mahigit 43 milyon, napakaliit ng target nating isang milyong aklat na Puhunan at Paggawa para sa isang milyong manggagawa. Subalit malaki na ring target, lalo na't limampung libong manggagawa ay di pa nga natin maipalabas na sama-samang kumilos tuwing Mayo Uno.


Karanasan sa Paglalathala

Mula nang maging tagapamahala ako ng Aklatang Obrero Publishing Collective noong 2006, marahil ay nasa limangdaang aklat na Puhunan at Paggawa na ang naipalathala. Karaniwan, depende sa badyet. Kung bawat taon ay nakagawa ako ng 40 aklat na Puhunan at Paggawa, sa loob ng 12 taon, nasa 480 aklat na ang aking napalathala. Paano pa kaya kung 100 aklat bawat taon, yun nga lang, dahil pultaym na tibak, hanggang 40 aklat lang kada taon ang nagagawa kong aklat na Puhunan at Paggawa.

Ako pa lang ito, ha. Paano na kung magtutulong-tulong ang mga manggagawa upang maparami ito at maipamahagi sa maraming manggagawa? Aba'y mas mapapabilis ang pagpaparami ng aklat at pamamahagi nito sa maraming manggagawa.

Mahalagang magkaroon nito at mabasa ito ng bawat manggagawa sa pabrika. Maraming best selling books, dahil na rin sa promosyon ng mga tagapaglathala. Halimbawa, nakapaglathala na ng 500 milyong kopya ng mga aklat na Harry Potter ni J. K. Rowling, ayon sa Bloomsbury, ang tagapaglathala ng mga libro sa Britanya. Ang Noli Me Tangere ni Rizal at Florante at Laura ni Balagtas ay taun-taon ibinebenta sa mga mag-aaral sa hayskul. Kaya ang hamon sa atin ay paano natin itataguyod ang mahalagang aklat na ito ng manggagawa? Paano ang promosyon nito?

Magtulong-tulong tayong ipalaganap ang Puhunan at Paggawa bilang pangunahing aralin ng mga manggagawa sa kanilang pang-araw-araw ng buhay.


Ang Ating Dapat Gawin

Ganito ang ating gagawin. Ang bawat aklat ay dapat mapasakamay ng bawat manggagawa, at hindi isang aklat bawat unyon. Kundi isang aklat bawat manggagawa. Isang aklat na maiuuwi niya sa bahay at babasahin niya sa panahong nasa bahay siya. At maaari ring basahin ng kanyang pamilya. At sa kalaunan ay ng mga kamag-anak, at ng buong komunidad.

Kung isang aklat bawat unyon, baka naka-displey lang ito sa book shelf ng unyon at inaagiw lang. Baka magkahiyaan lang ang mga manggagawa na manghiram, at kung makahiram man ay baka matagal ang pagbalik ng aklat upang mabasa rin ng iba.

Kaya magandang bawat manggagawa ay magkaroon ng aklat na ito. Ano ba naman sa manggagawa ang presyong isangdaang piso (P100) para sa isang librong Puhunan at Paggawa kung ito'y para sa kanilang kabutihan? Maaari rin siyang bumili ng dalawa o limang aklat at ipangregalo niya ito sa kanyang mga kumpare, kumare, kamag-anak, sa kaarawan nito, o sa kapaskuhan.

Maaari ninyong pondohan ang ilang kopya ng Puhunan at Paggawa at pag nabenta lahat ay magpagawa uli kayo. Paikutin lang natin ang pera habang dumarami ang mga aklat. Ang Aklatang Obrero Publishing Collective ay handang tumulong upang tuluy-tuloy na mailathala ang aklat na ito.

Bakasakaling mas mapabilis ang pag-unawa ng mga manggagawa sa kanilang batayang karapatan at kalagayan sa umiiral na lipunan. At bakasakaling mapabilis din ang kanilang sama-samang pagkilos tungo sa layuning itayo ang kanilang sariling lipunan, isang lipunang pinamumunuan ng mga manggagawa, isang lipunang tatapos sa kaayusang kapitalismo.

Isang milyong aklat na Puhunan at Paggawa ni Ka Popoy Lagman, pagtulungan nating ipamahagi sa isang milyong manggagawa. walang mawawala sa atin kung targetin natin ang isang milyong manggagawa. Kailangang makabasa nito at maunawaan ng bawat manggagawa ang nilalaman nito. Bakasakaling sa loob ng limang taon ay maorganisa na ang mga manggagawang ito tungo sa isang lipunang walang pagsasamantala.

Martes, Pebrero 6, 2018

Pahayag sa ika-17 anibersaryo ng kamatayan ni Ka Popoy

(Ang papel na ito'y ipinamahagi sa mga dumalo sa paggunita sa ika-17 anibersaryo ng kamatayan ni Ka Popoy Lagman sa UP Bahay ng Alumni.)


PAHAYAG SA IKA-17 TAON NG PAGGUNITA
SA KABAYANIHAN NI KA POPOY LAGMAN!
REBOLUSYONARYONG PAGBATI SA LAHAT NG TUMATANGAN
SA APOY NG SULO NG PAKIKIBAKANG
SINULONG NI KA POPOY HANGGANG KAMATAYAN!

Nag-aalab na Pagbati ang ipinaaabot ng Komiteng Rehiyon ng Metro Manila Rizal ng Partido ng Manggagawang Pilipino!

Sa mga kaanak ni Ka Popoy, mga Lider Manggagawa - Anakpawis, Lider ng mga Unyon at Samahang Masa, mga Kadre at Kasapi ng Rebolusyonaryong Partido, Mabuhay ang inyong presensya sa paggunita sa mahalagang araw na ito!

Pagbati sa mga lider masa at mga rebolusyonaryong patuloy na tumatahak sa direksyon na tinahak ni Ka Popoy sa mahabang panahon! Ang buhay niyang inialay sa uri at rebolusyon ay nagsisilbing mitsa sa nagniningas na sulo ng paglaban ng uring manggagawa laban sa pagsasamantala ng Kapital.

Hindi mapipigilan ang pagbabago! Hindi mapipigilan ang motor ng tunggalian para sa bagong bukas, bagong sistemang lilikha sa pantay na relasyon sa lipunan.

Lalu na, na ang pagbabagong ito ay dinilig ng dugo, tulad ng kay Ka Popoy at marami pang mga martir sa rebolusyon ng uri at masa!

Pagkilala rin sa mga sakripisyo at pagbibigay ng maraming oras at panahon sa buhay ng bawat rebolusyonaryo at mulat sa uri na manggagawa. Ito ay nagsisilbing malakas na ihip ng hangin na nagpapaapoy sa nagbabagang aserong maso ng uring manggagawa!

Ang krisis ng kapital ay nagpapatuloy, papatindi, bumabangis ang estadong kumakatawan at tagapagtanggol ng sistemang ito, unti-unti namang nahuhubaran sa mata ng masang api ang oportunistang panlilinlang ng mga "ahente" ng kapital, bulok na pulitiko at pangakong hungkag nang naaagnas na sistema.

Ang mga kalagayang ito'y sa malaon at madali ay sasalubungin ng Partido, pampulitikang organisasyon, ng mga unyon at samahang masa nang malawakang panawagan at pagkilos para sa pagbabago at direktang pag-agaw ng pampulitikang kapangyarihan!

Gagawin ito sa militante-rebolusyonaryong kaparaanan na inihalimbawa sa buhay at pagkilos ni Ka Popoy.

Susulong ito sa pamamagitan ng nagkakaisang manggagawa, malakas at militanteng kilusang manggagawa, masang nakaorganisa sa mulat at palabang mga pampulitikang organisasyon, ng mga Bukluran ng rebolusyonaryong sosyalistang manggagawa, at higit sa lahat, Rebolusyonaryong Partido na may aserong bakal na disiplinang pang-organisasyon.

Ang malawak na masa naman ng uring manggagawa ay naghihintay nang magabayan sila sa direksyon ng pagsulong at mapagpasyang "bigwas" ng pagbabago at paglaya!

Ang paggunita sa kabayanihan ni Ka Popoy ay di na lamang pag-alala kundi pagbibigay inspirasyon sa bawat isang kumikilos at naglilingkod sa uri, mga lider unyon - samahan, sosyalistang manggagawa ng Buklod at mga kadre at kasapi ngPartido, na ito ang buhay. Ang buhay na tinahak din ni Ka Popoy.

Buhay na puno ng mga sakripisyo at inspirasyon, ng mga pakikibaka at tagumpay sa lahat ng aspeto!

Ang masa ng uring manggagawa ay naghihintay at palaging kasama habang nakatangan tayo sa tamang linya ng pagrerebolusyon!

Ang mga sakripisyo, pakikibaka at buhay na tatahakin pa ng mga kasama at masa, tulad ng buhay at pakikibaka ni Ka Popoy ay magiging malakas na ihip ng hanging magpapaapoy at magiging mitsa ng sulo ng paglaban at pakikibaka ng uri tungo sa kanyang ganap na rebolusyon!

Sulong sa Landas na Tinahak ni Ka Popoy!
Sulong sa Rebolusyonaryong Landas!
Rebolusyon Tungong Sosyalismo!

Komiteng Rehiyon ng Metro Manila - Rizal
Partido ng Manggagawang Pilipino
Pebrero 6, 2018, UP Diliman

Labor woes still haunt workers on the 17th death anniversary of “Ka Popoy” Lagman

Labor woes still haunt workers on the 17th death anniversary of “Ka Popoy” Lagman
Press Statements 06 February 2018

Seventeen (17) years after the assassination of the irrepressible labor leader and advocate Filemon “Ka Popoy” Lagman at the UP Campus on February 6, 2001, the same lack of labor benefits which he fought and died for continue to marginalize Filipino workers.

The following labor woes still haunt the labor sector:

1. Wages are below the constitutionally mandated living wage.

2. Unemployment and underemployment remain uncontained.

3. Mass poverty and self-rated poverty continue to be high.

4. The cascading adverse effects of the recent increase in excise taxes under the Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) bedevil workers like increases in the prices of gasoline, kerosene, LPG, and sugar-sweetened beverages.

5. Legislative attempts to outlaw contractualization and “endo” have built-in loopholes and may be counterproductive.

As we observe today the 17th death anniversary of “Ka Popoy”, he remains restless and unfulfilled in his grave even as his assassins elude justice.

EDCEL C. LAGMAN

Martes, Marso 7, 2017

Requiem for a Generation - by Patricio N. Abinales

THOUGHT LEADERS
Requiem for a Generation
Patricio N. Abinales
Published 9:30 AM, March 05, 2017
Updated 9:30 AM, March 05, 2017

Why are many 'veterans' of the fight against the Marcos dictatorship now are pitted against each other in the battle between President Rodrigo Duterte and his opponents?

A friend sent a YouTube link to the American pop singer Don McLean’s now iconic song American Pie, and reminded me that the line “and they were singing dirges in the dark the day the music died,” could very well refer to what has happened to the communists of the 1970s and 1980s. This prompted quick check at the bookshelf to pick out a number of memoirs that Filipino communists from the so-called “First Quarter Storm” generation and their successor, the “martial law babies” have written in the last decade.

One of the enduring myths of these memoirs is that even today, when they have all started to drift towards middle age, these cadres and their national democratic understudies have remained brothers and sisters. A couple of writings did acknowledge that this unity had frayed since 1986, and their authors have timidly mentioned the splits of the late 1980s and the early 1990s.

But this is unfortunate for if one wants some historical context as to why many of these “veterans” of the Storm and the dark years of the dictatorship are now pitted against each in the battle between President Rodrigo Duterte and his opponents, one needs to go as far back as the splits of the 1980s, especially after the CPP leadership under Jose Ma. Sison, resolved the ideological debates through a sanctioned killing of those the CPP’s eternal chairman tagged openly as spies and renegades

The stories of these assassinations still have to be written.

We still await the brave ex-cadre who will write about the tragic fortunes of Filemon “Popoy” Lagman, twice the leader of the CPP’s Manila-Rizal regional committee, disciplined and sent to the countryside after 1975, when he and the rest of the committee defied the edict from the Politburo to break up the Party’s electoral alliance with the anti-Marcos traditional politicians and the hated social democrats formed to challenge the dictatorship’s Kilusang Bagong Lipunan Manila slate led by Imelda Marcos and composed of 20 other forgettable characters (the one I only remember was Foreign Secretary Carlos Romulo whose campaign speeches sounded like academic lectures, boring a lot of hakot listeners to sleep).

Lagman did his time in the countryside, sacrificed a lot (his wife was believed killed in a military encounter), and regained his post in the last years of the dictatorship. After Marcos was ousted, however, the Manila-Rizal regional organization broke away from the Party after the 5-man Politburo’s disastrous decision to boycott the 1986 elections (Yes Virginia, only 5 people decided the nearly 1-million communist movement’s fate at a time when the politics of the period was clearly leaning towards the Left. Talk about radical democracy!). It was cadres of the regional organization that formed the initial core group of what is now the party-list group Sanlakas and its labor federation the Bukluran ng Manggagawang Pilipino. In its early years, and under the leadership of Lagman, it was one of the strongest and fiery non-CPP left groups.

Lagman was assassinated on February 6, 2001 at the Diliman campus of the University of the Philippines. According to Ben Reid his was “the first political assassination to occur under the new regime of Gloria Macapagal Arroyo and signals the possible beginning of a campaign of terror targeting the country’s leftist movement.” Reid writes that an unnamed “rightist faction of the military loyal to the ousted president Joseph Estrada was behind the killing,” its aim being to destabilize the still wobbly regime of Gloria Arroyo. This was the official line that Lagman’s Sanlakas would adopt.

Others however suspect that Lagman’s assassination was the first of several rubouts of the top ex-cadres of the Party who disagreed with the Filipino Ayatollah’s return to Maoist fundamentals. Lagman was known as the CPP’s Lenin, because he advocated for a communist movement with a strong influential “proletarian” (i.e., industrial worker base), shared Karl Marx’s disdainful description of the peasantry as a “sack of potatoes” (pace the insistence of Mao and his Filipino acolyte Sison that peasants were the mass base of the revolution), and saw very little value in a long-drawn protracted guerilla warfare against the Philippine government. For Lagman, communists could only come to power though urban uprisings and massive general strikes, and where the New People’s Army was to just play a supportive role.

This urban-centered strategy demanded the broadest unity of the diverse groups and classes that live in the metropolis, to give the revolution the heft to challenge and destroy police and military power, and ultimately the government. To achieve this “united front” the Party needed to make compromises to its anti-Marcos ideological rivals. Hence the Manila-Rizal took seriously the electoral collaboration it made with Benigno Aquino and the elite opposition in 1975 to the chagrin of their Party bosses.

This argument was also used as justification for Lagman questioning the validity and relevance of Mao Tse Tung Thought as the CPP’s ideological foundation after the big 1986 brouhaha. For which he was allegedly extra-judicially killed.

That death and Sison’s indirect threats before that, plus the expulsion or forced resignation of other anti-Sison cadres and the break away by regional organizations like the Manila-Rizal presaged an unceasing contention among these radicals. Its current and perhaps most poisonous edition is the fight between pro- and anti-Duterte radicals and ex-radicals. – Rappler.com

(To be continued)

Filed under:Filemon LagmanFirst Quarter StormMartial LawPatricio N. AbinalesRodrigo DutertepoliticsPhilippines


In this file photo, masked sympathizers guard the coffin bearing the remains of slain labor leader Filemon 'Popoy' Lagman, draped with the hammer and sickle flag as the funeral march heads to Marikina, February 12, 2001. Jay Directo/AFP