KA POPOY LAGMAN, BINIGYANG-PUGAY SA IKA-4 NA KONGRESO NG NCL
Pinagpugayan sa ika-4 na Kongreso ng National Confederation of Labor (NCL) si Filemon "Ka Popoy" Lagman (Marso 17, 1953 - Pebrero 6, 2001), dating pangulo ng sosyalistang Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP). Ito'y ginanap nitong Mayo 22, 2014 sa Magsaysay Hall ng SSS Bldg., sa East Avenue, Lungsod Quezon. Ang tema ng kongreso ng NCL ay "Sosyalistang Lipunan, Sagot sa Kahirapan".
Isa si Ka Popoy Lagman sa mga tagapagtatag ng NCL. Ang plaque ay tinanggap ni Ka Ronnie Luna, bise-presidente ng BMP. Pito pang magigiting na lider-manggagawa, kabilang ang tatlong abogado, na pawang tagapagtatag din ng NCL, ang nakatanggap ng plake ng pagkilala. At ito'y sina Atty. Ibarra Malonzo, Atty. Benjamin Alar, Atty. Gaston Taquio, Ka Dominador "Domeng" Mamangon, Ka Zosimo Carullo, Ka Rey Capa at Ka Angelito "Lolo" Mendoza.
Nauna rito'y nagbigay ng mensahe ng pakikiisa ang iba't ibang grupo ng paggawa, kabilang ang BMP, sa pamamagitan ng mainit na talumpati ni Ka Ronnie Luna, sa kongreso ng NCL.
Ulat at mga litrato ni Greg Bituin Jr.
Tinanggap ni Ka Ronnie Luna ang plake ng pagkilala kay Ka Popoy Lagman mula kina Atty. Arellano, pangulo ng NCL, at Glecy Naquita ng grupong Socialista at head ng secretariat ng NCL. |
Nagbigay ng mensahe ng pakikiisa ang BMP, sa pamamagitan ni Ka Ronnie Luna, sa ika-4 na Kongreso ng NCL. |
Naka-flash sa white board ang tema ng ika-4 na Kongreso ng NCL na "Sosyalistang Lipunan, Sagot sa Kahirapan"habang nagtatalumpati si Ka Ronnie Luna ng BMP. |
Bahagi ito ng unang pahina ng 3-pahinang programa ng ika-4 na Kongreso ng NCL. |
Bahagi ito ng ikalawang pahina ng 3-pahinang programa ng ika-4 na Kongreso ng NCL. |